Napanatili ng Bagyong Quinta ang lakas nito habang patuloy na nagbabanta sa mga lalawigan ng Bicol Region at Samar.
Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, natukoy ang sentro ng Bagyong Quinta sa layong 660 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot naman sa 70 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang Bagyong Quinta Kanluran, Hilagang-Silangan sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Sa ngayon ay itinaas na ang storm signal number 1 sa probinsya ng Catanduanes.
Inaasahang magla-landfall ng Bicol Region at Samar ang Bagyong Quinta bukas ng gabi gayundin sa Lunes ng umaga habang tinutumbok nito ang bahagi ng katimugang Luzon.
Babala pa ng PAGASA, mag-ingat ang publiko dahil lalakas pa ang Bagyong Quinta bago ito tatama sa kalupaan.