Bagyong Ramon, bahagyang lumakas

Nag-iba ng direksyon ang tropical storm Ramon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 445 kilometers east-northeast ng Casiguran, Aurora.

Lumakas pa ang dala nitong hanging nasa 75 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 kph.


Kumikilos ang bagyo pa-hilaga sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod:

  • Southeastern Portion ng Cagayan (Peñablanca at Baggao)
  • Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue, at Maconacon)
  • Northern Aurora (Disalag, Casiguran, at Dinalugan)
  • Polillo Island

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – posibleng sa Linggo inaasahang mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Cagayan at Isabela.

Asahan ang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Romblon, Panay at Cuyo Island.

Delikado pa ring maglayag sa baybayin ng Northern Luzon at eastern coast ng Southern Luzon.

Samantala, suspendido ang klase sa mga sumusunod na lugar:

All Levels

Camarines Norte

Isabela (kasama ang mga tanggapan sa gobyerno)

Nueva Vizcaya

Quirino

General Luna, Quezon

Guinayangan, Quezon

Lopez, Quezon

Pre-School –High School

Calauag, Quezon

Facebook Comments