Ramdam na ang epekto ng tropical storm Ramon sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Huling namataan ang bagyo sa 355 kilometers east ng Legazpi City.
Napanatili nito ang lakas sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kph.
Kumikilos west-northwest sa 10 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – sa Sabado o Linggo pa ito inaasahang tatama ng lupa ang bagyo.
Nakataas sang tropical cyclone wind signal number 2 sa Catanduanes.
Signal number 1 naman sa Camarines Provinces, Albay, Sorsogon, Eastern at Northern Samar.
Mapanganib na maglayag sa mga baybayin ng Northern Luzon, Eastern Visayas, at Bicol Region.
Samantala, wala nang pasok sa mga sumusunod na lugar:
All Levels
Naga City
Camarines Norte
Albay Province
Panganiban, Catanduanes
Virac, Catanduanes
Pre-School – High School
Caramoran, Catanduanes
Bulan, Sorsogon