Bagyong Ramon, lalo pang lumakas

Lalo pang lumakas ang tropical storm Ramon habang kumikilos pahilagang-silangan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometers silangan hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometer per hour (kph) at pagbugsong 90 kph.


Ayon sa PAGASA – magla-landfall ang bagyo sa dulong bahagi ng Cagayan area at lalabas ng bansa sa Miyerkules, November 20.

Nakataas pa rin ang signal number 1 sa eastern portion ng Cagayan, eastern portion ng Isabela at sa northern portion ng Aurora.

Asahan din ang malalakas na pag-ulan at posibleng pagbaha at landslide sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Apayao, Aurora, Quezon, Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Uulanin din ang Ilocos region at nalalabing bahagi ng Cordillera dahil naman sa habagat.

Magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa pero posible pa rin ang pag-ulan sa gabi dulot ng localized thunderstorm.

Samantala, maliban sa bagyong Ramon, may isa ding bagyong binabantayan sa labas ng bansa na may international name na “Fengshen”.

Facebook Comments