Bagyong ramon, lalo pang lumakas habang papalapit ng northern Cagayan

Tutumbukin ng tropical storm ramon ang hilagang Cagayan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 210 kilometers silangan – hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Lumakas pa ang dala nitong hanging nasa 85 kilometers per hour at pagbugsong nasa 105 kph.


Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa sumusunod:

  • Cagayan (kasama ang babuyan islands)
  • Hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfino Albano, Tumauini at Divicalan)
  • Apayao
  • Kalinga

Habang signal number 1 sa:

  • Batanes
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, at Dinalungan)
  • Natitirang bahagi ng Isabela

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – asahan na ang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng mainland Cagayan at Isabela.

Mamayang gabi, magiging madalas ang malalakas na pag-ulan sa Cagayan, Babuyan Islands, at Apayao, gayundin sa Batanes, Isabela, Kalinga, Abra, at Ilocos Norte.

Mapanganib pa ring maglayag sa western seaboard ng Northern Luzon, eastern seaboard ng Central at Southern Luzon.

Nagdeklara na ng walang pasok sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cagayan.

Samantala, may binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa 1,860 kilometers silangan ng eastern Visayas at inaasahang papasok ito sa bisinidad ng bansa bukas at maging isang bagyo.

Facebook Comments