Bagyong Ramon, napanatili ang lakas habang bahagyang bumilis patungong hilagang Luzon

Nagpapaulan na sa silangang bahagi ng katimugang Luzon at Kabisayaan ang tropical depression Ramon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 505 kilometers silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.


Bahagyang bumilis ito sa 15 kph at kumikilos kanluran – hilagang kanluran.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – posibleng mag-landfall ito sa Sabado (November 16).

Habang nasa karagatan pa ito, lalakas pa ito bilang tropical storm.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Catanduanes, Eastern Samar at Northern Samar.

Ngayong araw, asahan ang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon habang magiging madalas na pag-ulan sa Camarines Norte, Masbate, Northern at Eastern Samar.

Bukas naman, mararamdaman na rin ang mga pag-ulan sa Isabela at Aurora.

Nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Aurora, Camarines Provinces, Catanduanes, maging sa eastern coasts ng Albay, Sorsogon, at Quezon.

Facebook Comments