Bagyong Ramon, posibleng humina oras na mag-landfall sa Babuyan Islands

Halos hindi kumikilos ang bagyong “Ramon” habang patuloy na tinutumbok ang Babuyan Islands.

Huling itong namataan sa layong 120 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 165 kph.


Asahan na ang malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Ayon sa PAGASA – posibleng humina ang bagyo oras na mag-landfall ito sa Babuyan Islands mamayang hapon o mamayang gabi.

Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na huling namataan sa layong 720 kilometers silangan ng Guiuan (Gi-Wan), Eastern Samar.

Kapag naging bagyo, papangalanan itong “Sarah”.

Facebook Comments