Patuloy na lumalapit ng Babuyan Islands ang Typhoon Ramon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 120 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 120 kilometers per hour at pagbugsong 150 kph.
Kumikilos ito west northwest sa bilis na 10 kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signals sa sumusunod:
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – malalakas na ulan na ang hatid ng bagyong Ramon sa northern Luzon at sa extreme northern Luzon.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Babuyan Islands ngayong umaga o mamayang tanghali.
Pero dahil sa pagtama nito sa kalupaan at epekto ng malamig na hanging amihan, inaasahang hihina ang bagyo.
Delikado namang maglayag sa seaboards ng Southern Isabela, western seaboard ng Zambales at Bataan.
Maliban dito, pumasok na sa bisinidad ng bansa at inaasahang maging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa 930 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.