Bagyong Rolly, lalo pang humina matapos pang-apat na beses na magland-fall sa Lobo, Batangas; Ilang lugar, nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal

Pang-apat na beses nang nagland-fall ang Bagyong Rolly sa bansa kung saan naganap ito sa bisinidad ng Lobo, Batangas.

Alas-8 ngayong gabi, bahagyang humina ang bagyo na nagtataglay na lang ng lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 170 kph.

Huli itong namataan sa layong 120 kilometers kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro, na kumikilos pakanluran sa bilis na 25 km/h.


Nasa West Philippine Sea na ang bagyo at inaasahang hihina na sa Severe Tropical storm sa loob ng 24 oras.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa;

TCWS No. 3:

Southwestern portion ng Batangas kinabibilangan ng; Tingloy, Mabini, Bauan, San Luis, Taal, Santa Teresita, Alitagtag, Taal lake, San Nicolas, Talisay, Laurel, Agoncillo, Lemery, Calaca, Balayan, Tuy, Nasugbu, Lian, Calatagan
Northwestern portion ng Occidental Mindoro kinabibilangan ng Abra de Ilog, Mamburao, Paluan

 

TCWS No. 2:

Cavite
Nalalabing bahagi ng Batangas
Northern portion ng Oriental Mindoro kinabibilangan ng; Puerto Galera,San Teodoro,Baco,Calapan City,Naujan,Victoria,Pola
Central portion ng Occidental Mindoro na kinabibilangan ng Santa Cruz at Sablayan

 

TCWS No. 1:

Southern portion ng Zambales kinabibilangan ng; San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City
Bataan
Bulacan
Pampanga
Rizal
Laguna
Metro Manila
Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
Calamian Islands
Marinduque
Quezon kasama na ang Polillo Islands

Facebook Comments