Kahit papalabas na ng bansa ngayon ay napanatili ng Bagyong Rolly ang kaniyang lakas.
Huli itong namataan sa layong 195 kilometro Kanluran ng Subic, Zambales.
Patuloy naman itong kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour (kph) at tinatahak ang bahagi ng West Philippine Sea.
Taglay na lamang ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 80 kph.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Rolly bukas ng umaga.
Sa kasalukuyan, wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang bahagi ng bansa.
Samantala, mananatili naman sa Tropical Storm Category ang bagyong Siony sa loob ng 36 hanggang 48 na oras.
Huling nakita ang bagyong siony sa layong 620 kilometers Silangan ng Aparri, Cagayan at taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 80 kph.
Kumikilos naman ito pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 40 kph.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay wala pang nakikitang direktang epekto sa bansa ang bagyong siony at inaasahang tatahakin nito ang Northern Luzon.