Pagbabalik ng Philippine SuperLiga nitong Nobyembre, hindi na matutuloy

47

Nagdesisyon ang pamunuan ng Philippine SuperLiga (PSL) na sa Pebrero 2021 na lamang nila itutuloy ang kanilang Beach Volleyball Tournament.

Unang nakatakda sanang simulan ang tournament ngayong katapusan ng buwan.


Paliwanag ni PSL Chairman Philip Ella Juico, bukod sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic ay isa rin sa nakikita nilang rason para hindi na muna ituloy ay ang hindi magandang lagay ng panahon.

Hindi na rin aniya sila makikisabay sa mga nangyayaring krisis para maibigay ng ilang ahensya ang buong pansin nito sa public emergency.

Facebook Comments