BAGYONG ROSITA | Consular Office ng DFA sa Isabela, isang linggong isasara

Manila, Philippines – Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na suspendido ang serbisyo ng DFA Consular Office sa Santiago (Isabela) simula Lunes, Oktubre 29, hanggang Linggo, Nobyembre 4.

Sa abiso na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs (OCA) sa kanilang viber account, sarado simula ngayong araw hanggang Linggo, Nobyembre 4, ang DFA Consular Office sa Santiago (Isabela) dahil sa malakas na ulan o masamang panahon dala ng bagyong Rosita.

Ang mga aplikante na mayroong kumpirmadong passport appointment sa apektadong petsa ay ia-accomodate sa mga susunod na araw, oras na muling buksan ang konsulado


Pinayuhan din ang mga aplikante na magdala ng print out ng kanilang confirmed passport apoointment kasama ang ibang requirements sa kanilang aplikasyon.

Facebook Comments