BAGYONG ROSITA | Force evacuation, ipinatupad na sa lalawigan ng Aurora

Nagpatupad na rin ng force evacuation sa Aurora Province bilang paghahanda sa bagyong Rosita.

Ayon kay Engr. Elson Egargue, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Aurora, target nila ang zero casualties sa inaasahang pag-land fall ng bagyo sa kanilang lugar ngayong araw.

Sabi pa ni Egargue, pansamantala ring ipinagbabawal sa Baler ang pagpasok ng mga turista bilang pag-iingat na rin sa epekto ng bagyo.


Nagpaalala rin ang PDRRMO sa mga may maliliit na sasakyan pandagat na iwasan muna ang pumalaot.

Facebook Comments