DUMEPENSA | Chief Eleazar, itinangging kultura ng PNP ang manggahasa kapalit ng mga nahuhuling sangkot sa ilegal na droga

378

Manila, Philippines – Nilinaw ni NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar ang ulat na naging kultura na ng PNP ang panggagahasa kapalit ng mga nahuhuling sangkot sa ilegal na droga.

Ito ay matapos ireklamo ang isang pulis ng panggagahasa sa isang 15-anyos na dalagita kapalit ng kalayaan ng kaniyang amang nakakulong dahil sa droga.

Ayon kay Eleazar, wala siyang matandaan na naging kultura na sa PNP ang panggagahasa kapalit ng pagpapalaya sa isang preso.

Aniya, patuloy ang internal cleansing sa hanay ng pulisya.

Facebook Comments