Pinulong na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa bagyong Rosita.
Kabilang sa mga ipinatawag sa pre-disaster risk assessment ang PAGASA, Mines and Geosciences Bureau (MGB), DSWD, DOH, DepEd, DILG, National Economic Development Authority (NEDA), Department of Information and Communications Technology (DICT), PNP, AFT at iba pa.
Nauna nang nagbabala ang MGB sa posibleng landslide sa ilang lugar sa silangang bahagi ng Northern Luzon na tutumbukin ng bagyo.
Tiniyak naman ng DSWD na may nakahanda silang relief goods at pondo para sa mga maapektuhang residente.
Sapat at naka-standby na rin ang mga gamot mula sa DOH.
Habang ang AFP, PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) handa na ring i-deploy ang kanilang mga response assets para sa search and rescue operations.
Bukas, nakatakdang magtaas ng alerto ang NDRRMC dahil sa bagyong Rosita.