Manila, Philippines – Inilagay sa orange alert ng Quezon City government ang lahat ng disaster action teams nito habang nananalasa si bagyong Rosita sa northern Luzon.
Iniutos ni Mayor Herbert Bautista sa Quezon City Disaster Risk Reduction Office at sa City Engineering Department na ilatag na ang mga evacuation centers sa mga flood-prone areas sa lungsod tulad ng Barangay Apolonio Samson, Barangay Roxas at Barangay Bagong Silangan.
Ito ay para sa gagawing pre-emptive evacuation sa sandaling tuloy tuloy na mararanasan ang paguulan sa lungsod.
Nakahanda na rin ang mga relief packs at ready-to-eat food ng Social Services para sa agarang distribusyon.
Inalerto na rin ang mga barangay para i monitor ang sitwasyon at agad rumisponde sa mga lugar na mangangailangan ng assistance.
Ipinagamit na rin ang mga sasakyan at equipment mula sa iba’t ibang departments at inilagay sa operational control ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council.