Manila, Philippines – Tatama sa bahagi ng Southern Palawan ang tropical depression tino ngayong hapon sa pagitan ng alas kwatro hanggang alas sais ng gabi.
Sa ngayon ay nakataas ang public storm signal number 1 sa buong probinsya ng Palawan.
Napanatili ng bagyong Tino ang lakas nito na aabot sa 55 kph at pagbugso na aabot sa 80 kph.
Huli namataan ang bagyo sa layong 135 km silangan timog-silangan ng Puerto Princesa City.
Kumikilos ito sa bilis na 28 kph at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
Samantala, pinayuhan naman ang mga residente sa Mimaropa, Bicol Region at Samar Provinces sa banta ng flash floods at landslides dahil sa bagyo.
Facebook Comments