Bagyong Tisoy, bahagyang humina matapos mag-landfall sa Sorsogon Signal Number 3, nakataas sa 15 Lalawigan

Papatawid ng Pilar, Sorsogon ang Typhoon Tisoy.

Humina ang lakas ng hangin nito na nasa 165 Kilometers Per Hour at pagbugsong nasa 275 KPH.

Kumikilos ang Bagyo pakanluran sa bilis na 15 KPH.


Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod:

Signal number 3
Catanduanes

Camarines sur

Albay

Sorsogon

Camarines norte

Masbate (kasama ticao at burias islands)

Katimugang bahagi ng quezon

Marinduque

Oriental mindoro

Occidental mindoro (kasama ang lubang island)

 

Batangas

Laguna

Northern samar

Hilagang bahagi ng eastern samar

Hilagang bahagi ng samar

 

Signal number 2
Metro manila

Bulacan

Bataan

Tarlac

Pampanga

Nueva ecija

Southern aurora

Rizal

Natitirang bahagi ng quezon (kasama ang polillo islands)

Calamian islands

Cuyo islands

Zambales

Pangasinan

Natitirang bahagi ng eastern samar

Natitirang bahagi ng samar

Biliran

Aklan

 

Capiz

Antique

Iloilo

Guimaras

Hilagang bahagi ng negros occidental

Northern cebu

Leyte

Signal number 1
Southern isabela

Mountain province

Ifugao

Benguet

Nueva vizcaya

Ilocos sur

La union

Quirino

Natitirang bahagi ng aurora, hilagang bahagi ng palawan

Natitirang bahagi ng negros occidental

Negros oriental

 

Bohol

Siquijor

Natitirang bahagi ng cebu

Southern leyte

Dinagat islands

Siargao island

 

Ayon sa Pagasa, ang eyewall ng bagyo ay patuloy na nagdadala ng malalakas na hangin at ulan sa Northern Samar, Catanduanes, Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.

Ang Camarines Norte at masbate ay inaasahang maaapektuhan na rin sa susunod na tatlong oras.

May mga panaka-nakang matitinding ulan na rin ang asahan sa Bicol Region, Northern Samar, Southern Quezon, Marindqueu at Romblon.

May paminsan-minsang malalakas na ulan naman sa Samar, Eastern Samar, Rizal, natitirang bahagi ng Quezon, Laguna, at Oriental Mindoro.

Asahan na rin ang malalakas na ulan sa Metro Manila, Occidental Mindoro, natitirang bahagi ng Calabarzon, Aurora, natitirang bahagi ng Eastern Visayas at silangang bahagi ng Cagayan at Isabela.

Nagbabala rin ang PAGASA ng higit tatlong metrong taas ng daluyong o storm surge sa Coastal Areas ng Catanduanes, Northern Samar, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon.

Facebook Comments