Bagyong Tisoy, patuloy na humihina habang patungo ng West Philippines Sea

 

 Patungo na ng West Philippines Sea ang Typhoon Tisoy.

Huling namataan ang bagyo sa layong kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Humina pa ang lakas ng hangin nito na nasa 120 Kilometers Per Hour at pagbugsong nasa 150 kph.


Kumikilos ito West-Northwest sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod:

 

Signal number 3
Northern Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)
Signal number 2
Oriental Mindoro

Batangas

Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro

Cavite

Laguna

Rizal

Bataan

Metro Manila

Southern Bulacan

Southern Pampanga

Calamian Islands

Kanlurang bahagi ng Quezon

Signal number 1
Southern Nueva Ecija

Hilagang bahagi ng Palawan

Tarlac

Hilaga at gitnang bahagi ng Quezon

Western Romblon

Marinduque
natitirang bahagi ng ZambalesNatitirang bahagi ng Pampanga

Natitirang bahagi ng Bulacan

Northwestern Antique

 

Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang mahina hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon.

 

May mahihinang ulan din sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.

 

Mapanganib pa ring maglayag sa mga lugar na may Warning Signals, maging sa baybayin ng Northern at Central Luzon, at Visayas, maging sa Eastern at Western Seaboard ng Southern Luzon.

 

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Tisoy mamayang gabi o bukas ng umaga.

Facebook Comments