Bagyong “Tonyo” nasa Lobo, Batangas na; 15 lugar sa Luzon, nakasailalim pa rin sa TCWS no. 1

Napanatili ng bagyong “Tonyo” ang lakas nito na kasalukuyan nang nasa Lobo, Batangas.

Alas 8:00 kaninang umaga nang muling mag-landfall sa San Juan, Batangas ang bagyo matapos na unang tumama sa kalupaan ng Torrijos, Marinduque kaninang alas 4:30 ng madaling araw.

Samantala, patuloy na kumikilos ang bagyo pa-Kanluran Hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h at pagbugsong 60 km/h.

Nakasailalim pa rin sa Tropical Cycline Wind Signal no. 1 ang 15 lugar sa Luzon:

1. Hilaga at gitnang bahagi ng Quezon (Gumaca, Pitogo, Quezon, Alabat, Perez, Unisan, Plaridel, Atimonan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, Mauban, Tayabas City, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Dolores, Lucban, Sampaloc, Real, Infanta, General Nakar) kabilang Polillo Islands
2. Cavite
3. Laguna
4. Rizal
5. Batangas
6. Metro Manila
7. Bataan
8. Bulacan
9. Pampanga
10. Katimugang bahagi ng Aurora (Dingalan)
11. Katimugang bahagi ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
12. Marinduque
13. Hilagang bahagi ng Romblon (Romblon, San Andres, Calatrava, San Agustin, Corcuera, Banton, Concepcion)
14. Hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro (Bongabong, Bansud, Gloria, Pinamalayan, Socorro, Pola, Naujan, Victoria, Calapan City, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)
15. Hilaga at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) kabilang ang Lubang Island

Sa forecast track ng PAGSA, ngayong tanghali ay inaasahang nasa West Philippine Sea na ang bagyo ay posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas nang umaga.

Posible pang lumakas ang bagyong “Tonyo” ay maging tropical storm sa susunod na 24 oras.

Facebook Comments