Inaasahang magla-landfall mamayang gabi sa Polillo Islands at mainland Quezon ang Severe Tropical Storm Ulysses.
Huling namataan ang bagyo sa layong 180 kilometers Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes o 415 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 100 kilometers per hour at pagbusong nasa 125 km/hr.
Bumagal ito sa 15 km/hr. at tinatahak ang direksyong Hilagang Kanluran.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod na lugar:
SIGNAL NUMBER 2:
Katimugang bahagi ng Quirino
Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya
Silangang bahagi ng Pangasinan
Katimugang bahagi ng Zambales
Bataan
Tarlac
Pampanga
Nueva Ecija
Aurora
Bulacan
Metro Manila
Rizal
Laguna
Cavite
Batangas
Quezon (kasama ang Polillo Islands)
Marinduque,
Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)
Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Catanduanes,
Burias at Ticao Islands
SIGNAL NUMBER 1:
Isabela
Natitirang bahagi ng Quirino
Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Abra
Ilocos Sur
La Union
Natitirang bahagi ng Pangasinan
Natitirang bahagi ng Zambales
Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Romblon
Natitirang bahagi ng Masbate
Northern Samar
Hilagang bahagi ng Samar
Hilagang bahagi ng Eastern Samar
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang tatawid ito ng Catanduanes ngayong umaga hanggang hapon, at sa hilagang bahagi ng Camarines Provinces sa hapon hanggang sa gabi.
Asahan na ang malalakas na pag-ulan sa Camarines Provinces at Catanduanes habang may paminsan-minsang malalakas na ring pag-ulan sa Albay, Sorsogon, Quezon kasama ang Polillo Islands, at ang Burias at Ticao Islands.
May mahihina na minsan ay malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.