Bagyong Ulysses, bahagyang bumagal habang napanatili ang lakas at inaasahang magla-landfall sa mainland Quezon mamayang gabi

205

Inaasahang magla-landfall mamayang gabi sa Polillo Islands at mainland Quezon ang Severe Tropical Storm Ulysses.

Huling namataan ang bagyo sa layong 180 kilometers Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes o 415 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.


Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 100 kilometers per hour at pagbusong nasa 125 km/hr.

Bumagal ito sa 15 km/hr. at tinatahak ang direksyong Hilagang Kanluran.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod na lugar:

 

SIGNAL NUMBER 2:




Katimugang bahagi ng Quirino

Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya

Silangang bahagi ng Pangasinan

Katimugang bahagi ng Zambales

Bataan

Tarlac

Pampanga

Nueva Ecija

Aurora

Bulacan

Metro Manila

Rizal

Laguna

Cavite

Batangas

Quezon (kasama ang Polillo Islands)

Marinduque,

Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)

Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro

Camarines Norte

Camarines Sur

Albay

Sorsogon

Catanduanes,

Burias at Ticao Islands

 

SIGNAL NUMBER 1:

Isabela

Natitirang bahagi ng Quirino

Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Abra

Ilocos Sur

La Union

Natitirang bahagi ng Pangasinan

Natitirang bahagi ng Zambales

Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro

Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro

Romblon

Natitirang bahagi ng Masbate

Northern Samar

Hilagang bahagi ng Samar

Hilagang bahagi ng Eastern Samar

Ayon sa DOST-PAGASA,  inaasahang tatawid ito ng Catanduanes ngayong umaga hanggang hapon, at sa hilagang bahagi ng Camarines Provinces sa hapon hanggang sa gabi.

Asahan na ang malalakas na pag-ulan sa Camarines Provinces at Catanduanes habang may paminsan-minsang malalakas na ring pag-ulan sa Albay, Sorsogon, Quezon kasama ang Polillo Islands, at ang Burias at Ticao Islands.

May mahihina na minsan ay malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon at Visayas.

Facebook Comments