Bahagyang humina ang Bagyong Ulysses habang patungong West Philippine Sea at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 200 kilometro Silangan ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour at pabugsong 150 km/h.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 25 km/h.
Bagama’t wala nang lugar sa bansa ang nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 at 2, nasa ilalim pa rin ng Signal Number 1 ang mga lugar ng:
• Kanlurang bahagi ng Pangasinan
• Tarlac
• Kanluran bahagi ng Pampanga
• Zambales
• Bataan
• Lubang island
Samantala, makakaranas naman ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-uulan ngayong gabi ang Cordillera Administrative Region, Silangang bahagi ng Cagayan at Isabela, Zambales, Bataan, Aurora, Cavite, Kanlurang bahagi ng Batangas, at Occidental Mindoro.
Habang mahina at paminsang malakas na ulan naman ang mararamdaman sa Western Visayas, Samar Provinces, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.