Bagyong Ulysses, bahagyang lumakas habang papalapit ng Bicol Region

Papalapit ng isla ng Catanduanes ang Severe Tropical Storm Ulysses.

Huling namataan ang bagyo sa layong 215 kilometers Silangan – Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes.

Bahagyang lumakas ito na may dalang hanging nasa 100 kilometers per hour at pagbusong nasa 125 km/hr.


Kumikilos ito sa bilis na 20 km/hr. sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signals sa sumusunod na lugar:

SIGNAL NUMBER 2:

Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya

Katimugang bahagi ng Quirino

Gitna at Katimugang bahagi ng Aurora

Gitna at Silangang bahagi ng Nueva Ecija

Silangang bahagi ng Pampanga

Bulacan

Metro Manila

Rizal

Laguna

Cavite

Batangas

Quezon (kasama ang Polillo Islands)

Marinduque,

Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro

Camarines Norte

Camarines Sur

Catanduanes

Albay

Sorsogon

Ticao Island

Burias Island

 

SIGNAL NUMBER 1:

Isabela

Natitirang bahagi ng Quirino

Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Abra

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Natitirang bahagi ng Aurora

Natitirang bahagi ng Nueva Ecija

Tarlac

Zambales

Bataan

Natitirang bahagi ng Pampanga

Occidental Mindoro (kabilang ang Lubang Island)

Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro

Romblon

Natitirang bahagi ng Masbate

Northern Samar

Hilagang bahagi ng Samar

Hilagang bahagi ng Eastern Samar

Ayon sa DOST-PAGASA,  inaasahang tatawid ito ng Catanduanes ngayong umaga hanggang hapon, at sa hilagang bahagi ng Camarines Sur at Camarines Norte sa hapon hanggang sa gabi.

Ang sentro ng bagyo ay dadaan ng Calaguas Islands mamayang hapon hanggang sa gabi at magla-landfall sa Polillo Islands at mainland Quezon sa pagitan ng gabi hanggang bukas ng umaga.

Mataas ang tiyansang umabot ito sa Typhoon Category sa susunod na 12 hanggang 24 oras pero hihina ito kapag tumama na ito ng kalupaan ng Luzon lalo na sa bulubundukin ng Sierra Madre.

Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, katimugang bahagi ng Quezon at Northern Samar.

May mahihina hanggang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Aurora, natitirang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Marinduque, Romblon at natitirang bahagi ng Bicol Region at Visayas.

Ngayong umaga hanggang mamayang gabi, asahan na rin ang mga pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila at natitirang bahagi ng CALABARZON at Bicol Region.

Nagbabala rin ang PAGASA ng storm surge o daluyong na aabot ng hanggang tatlong metrong taas sa mga baybayin ng Quezon kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Catanduanes at Camarines Sur.

Facebook Comments