Bahagyang lumakas ang Bagyong Ulysses at isa nang Tropical Storm na huling namataan sa layong 575 kilometers silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 80 kph at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Jun Galang, bagama’t hindi pa ito pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), makaka-apekto naman ito sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan, Bicol Region, Eastern Visayas at Quezon.
Samantala, inaasahang magiging maganda pa naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa maliban na lang sa paminsan-minsang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.
Facebook Comments