Bagyong “Ulysses”, lalo pang lumakas; 27 lugar sa Luzon, isinailalim sa TCWS no. 2

Lalo pang lumakas at malapit nang maging typhoon ang Severe Tropical Storm “Ulysses”.

Ala-7:00 kaninang umaga, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 135 kilometers Hilaga Hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes o 350 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour pa-kanluran taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/hr at pagbugsong 135 km/hr.


Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa:

  • Gitna at katimugang bahagi ng Quirino (Maddela, Cabarrogui, Aglipay, Nagtipunan)
  • Gitna at katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Bambang, Kayapa, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur, Aritao, Santa Fe, Alfonso Castaneda)
  • Katimugang bahagi ng Benguet (Bokod, Itogon, Tublay, La Trinidad, Sablan, Baguio City, Tuba),
  • Katimugang bahagi ng La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Aringay, Tubao, Pugo, Santo Tomas, Rosario, Agoo)
  • Pangasinan
  • Zambales
  • Bataan
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Nueva Ecija
  • Aurora
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Laguna
  • Cavite
  • Batangas
  • Quezon kabilang ang Polillo Islands
  • Marinduque
  • Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra De Ilog) kabilang ang Lubang Island
  • Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera)
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Catanduanes
  • Burias at Ticao Islands

Habang signal number 1 sa:

  • Isabela,
  • Natitirang bahagi ng Quirino
  • Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Nalalabing bahagi ng Benguet
  • Abra
  • Ilocos Sur
  • natitirang bahagi ng La Union
  • natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
  • natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
  • Romblon
  • Natitirang bahagi ng Masbate
  • Northern Samar
  • Hilagang bahagi ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose De Buan, Matuguinao)
  • Hilagang bahagi ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Posibleng itaas ang TCWS no. 3 sa ilang lugar sa Bicol Region at kalaunan maging sa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon oras na pumasok na sa typhoon category ang Bagyong Ulysses.

Facebook Comments