Bagyong Ulysses, lumakas pa habang nag-landfall na sa General Nakar, Quezon

Nag-landfall na sa bisinidad ng General Nakar, Quezon Province ang Typhoon Ulysses.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 30 kilometro Hilaga ng Infanta, Quezon.

Lumakas pa ito dala ang hanging nasa 155 kilometers per hour at pagbugsong nasa 255 km/hr.


Kumikilos ang bagyo pa-kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 20 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:

SIGNAL NUMBER 3:
Katimugang bahagi ng Quirino
Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya
Pangasinan
Nueva Ecija
Aurora
Tarlac
Zambales
Bataan
Pampanga
Bulacan
Metro Manila
Rizal
Cavite
Laguna
Batangas
Hilaga at Gitnang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)
Kanlurang bahagi ng Camarines Norte

SIGNAL NUMBER 2:
Gitna at Katimugang bahagi ng Isabela
Natitirang bahagi ng Quirino
Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Katimugang bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)
Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
Natitirang bahagi ng Quezon
Natitirang bahagi ng Camarines Norte
Camarines Sur

SIGNAL NUMBER 1:
Nalalabing bahagi ng Isabela
Kalinga
Abra
Natitirang bahagi ng Ilocos Sur
Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Romblon
Albay
Sorsogon
Catanduanes
Gitna at Kanlurang bahagi ng Masbate
Burias at Ticao Islands

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang tatawid ang bagyo sa Central Luzon hanggang sa makalabas ito ng baybayin ng Zambales bukas ng umaga.

Bahagyang hihina ang bagyo dahil sa pagdaan nito sa bulubundukin ng Sierra Madre at Zambales.

May posibilidad na manatili ito sa Typhoon Category habang tumatawid ng kalupaan.

Asahan ang malalakas na pag-ulan sa gitna at katimugang bahagi ng Aurora, hilagang bahagi ng Quezon, Metro Manila Rizal, Bulacan at Nueva Ecija sa mga susunod na oras.

Magkakaroon din ng malalakas na pag-ulan sa Camarines Provinces, iba pang bahagi ng CALABARZON, Central Luzon, Quirino, Nueva Vizcaya at silangang bahagi ng Isabela.

May katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Cordilleraa, Cagayan Valley, Pangasinan, Marinduque, hilagang bahagi ng Mindoro Provinces kasama ang Lubang Island, Albay, Catanduanes, at Burias Island.

May mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon at buong kabisayaan.

Nagbabala rin ang PAG-ASA ng storm surge o daluyong na may taas na tatlong metro sa mga baybayin ng Aurora, Quezon at Camarines Norte.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Ulysses bukas ng umaga o hapon.

Facebook Comments