Bagyong Ulysses, nasa bisinidad na ng Nueva Ecija; Signal no. 3, nakataas pa rin sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Central at Southern Luzon

Patuloy na tumatawid ng Luzon landmass ang Typhoon Ulysses.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng San Antonio, Nueva Ecija.

Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 155 kilometers per hour at pagbugsong nasa 255 km/hr.


Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 km/hr.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:

SIGNAL NUMBER 3:
Katimugang bahagi ng Quirino
Katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya
Pangasinan
Nueva Ecija
Aurora
Tarlac
Zambales
Bataan
Pampanga
Bulacan
Metro Manila
Rizal
Cavite
Laguna
Batangas,
Hilaga at Gitnang bahagi ng Quezon (kasama ang Polillo Islands)

SIGNAL NUMBER 2:
Gitna at Katimugang bahagi ng Isabela
Natitirang bahagi ng Quirino
Natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Katimugang bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)
Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
Marinduque,
Natitirang bahagi ng Quezon
Camarines Norte
Kanlurang bahagi ng Camarines Sur

SIGNAL NUMBER 1:
Natitirang bahagi ng Isabela
Abra,
Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Romblon
Natitirang bahagi ng Camarines Sur
Kanluran ng Albay
Burias Island

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Loriedin Dela Cruz, patuloy na tatawid ng Central Luzon ang bagyo hanggang sa makalabas ito sa Zambales bukas ng umaga.

Bahagyang humina ang bagyo dahil sa pagdaan nito sa bulubundukin ng Sierra Madre at Zambales pero mananatili ito sa Typhoon Category hanggang sa makalabas ng bansa.

Asahan na ang malalakas na pag-ulan sa gitna at katimugang bahagi ng Aurora, hilangang bahagi ng Quezon Province, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Pangasinan, Zambales, Bataan, Rizal at Metro Manila.

May katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Cordillera Region, Cagayan Valley, Marinduque, at hilagang bahagi ng Mindoro Provinces.

Magkakaroon naman ng mahihina hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon at buong Kabisayaan.

Nagbabala rin ang PAG-ASA ng storm surge o daluyong na may taas na tatlong metro sa mga baybayin ng Aurora, northern Quezon, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Ulysses bukas ng umaga o hapon.

Facebook Comments