Hindi pa nakakaapekto sa Bansa ang Tropical Depression Ulysses pero inaasahang magla-landfall ito sa Bicol Region sa Miyerkules.
Huling namataan ang bagong bagyo sa layong 800 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 55 km/hr.
Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 15 km/hr.
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang lalakas ito bilang Tropical Storm sa susunod na 24 hanggang 36 na oras at posibleng maging Typhoon sa pagtama nito ng kalupaan.
Inaasahang mararamdaman ang hangin at ulang hatid ng Bagyong Ulysses sa ilang bahagi ng Eastern Visayas at Bicol Region simula bukas hanggang sa Miyerkules.
Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng gabi.