Manila, Philippines – Nagsagawan ng Aerial Inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Biliran na isa sa mga pinakamatinding naapektuhan ng bagyong Urduja kanina.
Bago lumapag sakay ng Presidential Chopper ay inikot muna ni Pangulong Duterte kasama si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa buong lalawigan para makita ng Pangulo ng personal ang mga lugar na matinding nasalanta kalamidad.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang Cabinet meeting sa Biliran kung saan ibinibigay kay Pangulong Duterte ang lahat ng impormasyon kaugnay sa bagyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mayorya ng mga Gabinete ni Pangulong Duterte ang dumalo sa cabinet meeting sa Biliran kung saan inaasahan aniya naaatasan ng Pangulo ang lahat ng mga ito na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong residente.