SIRANG KALSA | Pampasaherong bus, naaksidente

Samar – Isang vehicular accident ang nangyari sa Barangay Pahug Pinabacdao, Samar kaninang alas 3:00 ng hapon.

Ang national highway sa Barangay Pahug ay nag-collapse noong Sabado dahil sa rumaragasang tubig baha dulot ng bagyong Urduja at one lane lamang ang nadadaanan.

Ayon sa inisyal na imbistigasyon ng Pinabacdao PNP, nawalan ng preno ang isang truck at bumangga ito sa Samar Bus Line na may laman na mga pasahero.


Sa ngayon, wala pang nare-report na namatay sa aksidente pero ayon sa Pinabacdao PNP, delikado ang kalagayan ng iilan na mga pasahero at isinugod na ngayon sa Tacloban hospital.

Payo ng mga otoridad na huwag munang bumiyahe papuntang Samar o papuntang Tacloban dahil delikado daanan ang mga kalsada.


Facebook Comments