BAGYONG URDUJA | Mahigit 44,000 na pamilya, lumikas

Manila, Philippines – Umaabot na sa 44, 369 na pamilya ang napilitang lumikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Urduja.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, nananatili ngayon sa 608 mga evacuation center ang mahigit 40-libong pamilya.

Ang mga pamilyang ito ay naitala sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa Region, at Caraga Region.


Naka-alerto naman ang DSWD para magbigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Umaabot sa mahigit 37-milyong pisong mga family food packs at non-food items ang naka-standby para ibigay sa apektadong pamilya.

Tiniyak naman ng NDRRMC na may karagdagang ayuda mula sa gobyerno ang mga pamilyang namatayaan at nasugatan dahil sa bagyo.
Manila, Philippines – Maghapong nag-ikot sa ilang ospital sa Metro Manila ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng kanilang kampanyang “Oplan Iwas Paputok”.

Kabilang sa mga binisita ng mga opisyal ng DOH ang Rizal Medical Center sa Pasig City, Quirino Medical Center sa Quezon City at UST Hospital Maynila.

Target ng ahensya ngayong taon ang zero o mas mababang casualty dahil sa paputok.

Hunyo nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order 28 na layong kontrolin ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon.

Facebook Comments