PBA | Bagong PBA chair Ricky Vargas, tiwalang magiging matatag ang kanilang hanay sa pagbubukas ng season 43

PBA – Tiwala si bagong Philippine Basketball Association (PBA) chairman Ricky Vargas na mas magiging matatag ang kanilang hanay sa pagbubukas ng season 43.

Kasunod ito ng tuluyang pagbibitiw sa puwesto ng dating chairman na si Chito Narvasa.

Taong 2015 nang ma-appoint bilang ika-siyam na commissioner ng PBA si Narvasa.


Matatandaang tinutulan ng PBA Board of Governors na ma-extend ang termino ni Narvasa matapos na mawalan sila ng kumpiyansa sa pamamalakad nito dahil sa kontrobersyal na trade ng San Miguel at Kia para PBA Rookie Draft.

Pero ayon kay Vargas, nakipag-usap na ang buong PBA Board kay Narvasa at sinigurong naayos at klaro ang lahat ng naging hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang kampo.

Facebook Comments