Papalabas na Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm Ursula.
Huling namataan ang bagyo sa layong 520 kilometers silangan ng Subic, Zambales.
May taglay pa rin itong lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 90 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyon west southwest.
Sa ngayon, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan dulot ng tail-end of cold front sa Cordillera, Cagayan Valley, at Aurora.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng panahon ay maaliwalas ang panahon.
Magiging maganda rin ang panahon sa buong Kabisayaan.
May isolated thunderstorms naman sa buong Mindanao.
Delikadong maglayag para sa maliliit na sasakyang pandagat ang mga baybayin ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Facebook Comments