Bagyong Ursula, napanatili ang lakas habang nasa WPS

Unti-unting lumalayo sa bansa ang typhoon Ursula.

Huling namataan ang bagyo sa layong 335 kilomers kanluran ng Subic, Zambales.

Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 120 kilometers per hour at pagbugsong nasa 150 kph.


Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – wala nang direktang epekto sa bansa ang bagyo.

Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan dulot ng frontal system sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon Province.

Delikado pa ring maglayag sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga.

Facebook Comments