Patuloy na lumalapit ang tropical depression ‘Usman’ sa Eastern Visayas.
Huling namataan ang bagyo sa layong 305 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.
Bumagal ang kilos nito sa 10 kph sa direksyong kanluran – hilagang kanluran.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Eastern Samar mamayang gabi.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:
Camarines Norte
Southern Occidental Mindoro
Southern Quezon
Marinduque
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate (kasama ang Ticao at Burias islands)
Southern Oriental Mindoro
Cuyo Island
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu (kasama ang Camotes Island)
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Antique
Northern Negros Occidental
Dinagat Island
Posibleng isailalim na rin sa signal number 1 ang Northern Palawan kasama ang Calamian Group of Islands sa susunod na weather bulletin.
Asahan na ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Quezon Province.
Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi (December 30) o Lunes ng umaga (December 31).