Bagyong Usman, posibleng lumakas habang papalapit ng Eastern Samar

Kahit hindi pa mag-landfall at may kalayuan pa, patuloy na uulanin ang Eastern Visayas at Bicol Region dahil sa tropical depression Usman.

Huling namataan ang bagyo sa layong 450 kilometers east-southeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong na nasa 65 kph.


Nakataas naman ang *tropical cyclone warning signal number 1* sa sumusunod.
Luzon:
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate (kasama ang Ticao Island)
Visayas:
Aklan
Capiz
Northern Iloilo
Northern Negros Occidental
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu (kasama ang Camotes Islands)
Mindanao:
Dinagat Island

Posible namang lumakas pa ang bagyo habang papalapit ito sa Eastern Samar bukas (December 28) kung saan posibleng isailalim na rin sa signal number 1 ang Camarines Norte, Southern Quezon, Southern Oriental Mindoro, Antique, ibang bahagi ng Iloilo at Guimaras.

Sinabi pa ng PAGASA na posibleng sa December 31 ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Usman.

Facebook Comments