#BagyongBisingPH

Patuloy na dumadaan sa Philippines Sea ang Typhoon Bising.

Huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 175 kilometers per hour at pagbugsong nasa 15 kph.


Kumikilos pa ring pahilaga – hilagang kanluran ang bagyo sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod:

SIGNAL NUMBER 2:

Luzon:
– Silangang bahagi ng Cagayan
– Silagang bahagi ng Isabela

SIGNAL NUMBER 1:

Luzon:
– Batanes
– Natitirang bahagi ng Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
– Natitirang bahagi ng Isabela
– Quirino
– Apayao
– Silangang bahagi ng Kalinga
– Silangang bahagi ng Ifugao
– Hilaga at Gitnang bahagi ng Aurora
– Polillo Islands
– Hilagang bahagi ng Camarines Norte
– Hilagang Silangang bahagi ng Camarines Sur
– Hilagang bahagi ng Catanduanes

Ayon sa PAGASA, bahagyang lalapit ang bagyo sa Hilagang Luzon bukas ng gabi hanggang sa lumihis ito palayo ng kalupaan sa Biyernes, hanggang sa malakabas ng bansa sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Inaasahang hihina ang bagyo sa severe tropical storm pagdating ng Sabado at hihina pa bilang tropical storm category sa Linggo.

Facebook Comments