Baha bumulaga sa mga taga Sultan Mastura, Maguindanao

Abot sa pitong libo katao mula sa limang barangay ng Sultan Mastura Maguindanao ang apektado sa nangyaring flashflood noong weekend.

Sa impormasyong ipinarating ni Jun Glang MRDDMO ng Sultan Mastura, kinabibilangan ng mga barangay ng Tareken , Solon, , Kerker, Simuay Seashore, at Namuken ang naapektuhan ng baha matapos bumuhos ang napakalakas na ulan simula noong madaling araw ng sabado.

Bagaman wala namang may napabalitang nasaktan sa mga residenteng apektado, tinatayang nasa 200 na mga farm animals na kinabibilangan ng kalabaw, baka, kambing at manok ang namatay matapos malunod sa baha.


Sinasabing umapaw ang simuay river matapos masira ang mga dike na inilagay ng LGU Sultan Mastura.

Kaugnay nito patuloy ang panawagan ng LGU at ng mga residente sa mga ahensya ng DPWH at MINDA na sanay matugunan na ang halos ilang dekada ng problema sa panahon ng tag-ulan.

Nagpapasalamat naman ang LGU Sultan Mastura sa agarang tulong na ipinaabot ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team, bukod sa mga rescue volounteer na sumagip sa mga binahang residente agad rin itong nagpaabot ng paunang ayuda.

PHOTOS: ARMM HEART and DA MAGUINDANAO





Facebook Comments