BAHA SA ILANG KALSADA SA DAGUPAN CITY, PATULOY PA RING NARARANASAN

Patuloy na nakararanas ng pagbaha ang ilang bahagi ng Dagupan City ngayong Martes, Nobyembre 11, partikular sa Mayombo, Caranglaan at Old De Venecia Road, base sa pinakahuling obserbasyon bandang 6:30 ng umaga.

Nananatili pa rin ang naipong tubig sa ilang kalsada dahil sa naranasang pag-ulan at mataas na daloy mula sa mga katabing lugar na naapektuhan ng Bagyong Uwan.

Bagama’t hindi pare-pareho ang lebel ng tubig sa mga nabanggit na lugar, may ilang bahagi pa ring mabagal ang paghupa ng baha.

Sa kabila nito, nananatiling passable naman sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Pinapayuhan lamang ang mga motorista na mag-ingat, lalo na sa mga kalyeng may bahaging medyo mataas ang tubig o madulas ang daan.

Hinihikayat pa rin ng pamahalaang panlungsod ang mga residente na maging mapagmatyag, sundin ang mga paalala ng lokal na pamahalaan, at iulat ang anumang pagbaha o kalsadang hindi na madaanan upang agad itong maaksyunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments