Bahagi ng Boracay kung saan dumumi ang isang dayuhang bata, ipinasara muna

Screenshot from the viral video (Facebook/Hazel Ann)

Pansamantalang isinara sa publiko ang bahagi ng Boracay kung saan nakuhanan ang viral video ng dayuhang bata na dumumi sa tabing-dagat, Lunes, Agosto 12.

Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, Miyerkules, ang pagbabakod ng bahagi sa station 1, habang nagsasagawa ng water quality test.

Ipinagbawal ang paglangoy sa lugar sa loob ng dalawang araw.


Kumalat sa social media ang video ng isang banyagang turista sa Boracay na pinayagang dumumi sa tabing-dagat ang anak.

Makikita rin ang isa pang kasama nila na hinuhugasan naman ang puwet ng bata sa tubig-dagat mismo.

PANOORIN: Dayuhan, ‘pinadumi’ ang anak sa Boracay beach

Facebook Comments