BAHAGI NG CALASIAO BYPASS ROAD KUNG SAAN UMANO NAGKAKAROON NG DRAG RACE, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN

Mahigpit na binabantayan ng awtoridad ang bahagi ng Arenas Boulevard Bypass road sa Brgy. Bued Calasiao kung saan nagkaroon umano ng drag racing.

Nilagyan na ng harang ang naturang bahagi na nagkaroon ng disgrasya at nauwi sa pagkasawi ng tatlong indibidwal, kamakailan.

Ayon sa mga Barangay tanod na nagbabantay sa bahagi ng kalsada, mainam na umano itong naging hakbang ng lokal na pamahalaan upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nadidisgrasya sa lugar.

Mahigpit rin ang pagbabantay ng kapulisan sa naturang lugar upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga bumibisita at tumatambay sa mga nakahilerang kainan.

Payo ng mga nagbabantay na tanod sa naturang bahagi na isaalang alang ang ligtas na pagbisita sa kahabaan ng naturang bypass.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments