Bahagi ng CAVRAA 2019, Umarangkada na rin sa Cauayan City!

*Cauayan City, Isabela- *Abala na ang Lungsod ng Cauayan sa pagho-host sa pangatlong bahagi ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) ngayong taon.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Jonathan Medrano, Sports Coordinator ng LGU Cauayan City kung saan sinimulan na ngayong araw, Marso 9, 2019 ang tagisan ng mga manlalaro mula sa iba’t-ibang paaralan sa Lambak ng Cagayan.

Pinapangunahan ngayon ng Lungsod ng Cauayan ang larong Basketball, Gymnastic at Sepak Takraw na magtatapos sa Lunes, Marso 11, 2019.


Sa larangan ng Basketball para sa Elementary boys ay kasalukuyang nagtatagisan ang mga basketbolista sa Minante 1, Cauayan City habang sa Highschool level naman ay ginaganap sa FLDy Coliseum.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Harlem Ruiz, Regional Coordinator ng Philippine Sports Commission, bagamat hiwa-hiwalay ang mga event ng CAVRAA 2019, mas lalo naman anya na naging aktibo ang mga manlalaro.

Pero giit ni Ruiz, mayroon pa rin itong nakikitang problema sa per-cluster na event dahil hirap anya sa pagmonitor ang mga facilitator sa bawat laro, hirap sa panonood ng mga magulang at hirap sa transportasyon.

Una na aniyang napagkasunduan ng PSC at LGU Ilagan City na ihohost ng Lungsod ng Ilagan ang CAVRAA 2019 subalit dahil sa mga pagbabago ay hinati-hati muna pansamantala sa iba’t-ibang lugar ang nasabing palaro.

Kanya ring tiniyak na magagamit na sa 2022 ang ginagawang Sports Complex dito sa Lungsod ng Cauayan sa tulong ni City Mayor Bernard Dy.

Samantala, magkakaroon na ng Regional head office dito sa Lungsod ng Cauayan upang matutukan ang lahat ng mga feature at Sporting event para sa lahat ng mga manlalaro sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments