*Cauayan City, Isabela*- Pansamantalang tinabunan ng mga buhangin ang ilang bahagi ng daan dahil sa makapal na putik at dahilan para hindi madaanan ito ng mga residente sa mga nagdaang araw sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela.
Ayon sa pamunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Echague, nakaranas ng malawakang pagbaha ang lugar kaya’t ilang araw din na hindi madaanan ng kahit anong uri ng sasakyan ang nasabing lansangan.
Bilang alternatibong paraan ay sumasakay sa improvised na bangka para makatawid ang mga residente at makapunta sa palengke upang makabili ng mga pangunahing pangangailangan sa kanilang pamilya.
Kaugnay nito, habang abala ang mga Engineering Office sa pagsasaayos ng daan ay sinamantala na ito ng ilang residente para manghuli ng isda.
Sa ngayon ay maaari ng madaanan ng mga light vehicles ang nasabing lugar.
Samantaa, ayon sa Rescue 922 ng Cauayan City, bandang 2:00 ng hapon kanina hanggang ngayon ay hindi pa rin madaanan ang Alicaocao overflowbridges dahil sa mataas na lebel ng tubig.