TINGNAN: Duterte, dumalo sa kasal ng anak ni Bato dela Rosa

3326
FACEBOOK PAGE/Bong Go

Dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasal ng anak na babae ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Baguio City.

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Marianne Kristel dela Rosa at 1Lt. James Benneth Estoesta sa St. Ignatius Chapel ng Philippine Military Academy sa Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, kahapon.


Tumayong ninong ang Pangulo, habang ninang naman ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa mga litratong ibinahagi ni Sen. Christopher “Bong” Go, kasamang ring dumalo sina Senador Francis Tolentino, Imee Marcos, at Cynthia Villar.

“Best wishes po sa bagong kasal. Hangad po nina Tatay Digong at Kuya Bong ang inyong kaligayahan!” mensahe ni Go sa kanyang Facebook page.

Facebook Comments