Bahagi ng EDSA Mandaluyong isasara sa magkasunod na weekend – MMDA

58

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority na isasara ang kahabaan ng Shaw Boulevard cor. EDSA, Mandaluyong City magmula alas 11 ng gabi sa Biyernes June 21 hanggang sa Linggo June 23.

 

Maging sa June 28, Biyernes hanggang June 30, Linggo sarado din ang nabanggit na bahagi ng EDSA.


 

Ayon sa MMDA kukumpunihin kasi ng Manila Water Company ang depektibong mainline butterfly valve sa nasabing lugar.

 

May kaugnayan din ang emergency repair para matugunan ang water crisis sa Metro Manila.

Facebook Comments

From Advertisers