Bahagi ng Kampo ng Militar sa Isabela, Nakalockdown

Cauayan City, Isabela- Isinailalim sa lockdown ang ilang bahagi ng kampo ng 502nd Infantry Brigade Philippine Army sa Bayan ng Echague, Isabela matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang sundalo.

Ayon kay Army Captain Mark Plete, Commanding Officer ng Bravo Company 5th CMO Battalion, 5th Infantry Division Philippine Army, nakaranas ng kawalan ng panlasa at sore throat noong July 28, 2020 ang nasabing sundalo hanggang sa lumabas ang resulta ng Swab Test nito na positibo sa virus.

Isang 33-anyos na tubong Baguio City ngunit wala namang kasaysayan ng pagbiyahe sa mga lugar na may infected ng virus.


Nabatid na inatasan ang sundalo para mamalengke sa Bayan ng Echague

Bukod dito, isinailalim na sa 21-days quarantine ang limang (5) sundalo na nagkaroon ng direct contact sa nagpositibong pasyente.

Ayon pa kay Plete, pawang mga hanay ng engineering office ang nakalockdown sa kanilang kampo na patuloy na inoobserbahan ng mga health authorities.

Magpapatuloy din aniya ang paghahatid serbisyo ng kanilang hanay kahit na nakapagtala ng unang kaso ng virus ang kanilang kampo.

Samantala, ibabalik na sa Modified GCQ ang Bayan ng Echague sa oras na masigurong ligtas na ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Facebook Comments