Ligtas ng liguan ang isang bahagi ng Manila Bay sa Aguawan Beach sa Mariveles, Bataan.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, binuksan na sa publiko para sa recreational use ang Aguawan Beach matapos bumaba nang husto ang fecal coliform level dito.
Aniya, bumaba na sa 10 Most Probable Number (MPN) ang fecal coliform level sa naturang beach kung saan ang normal level ay 100 MPN pababa.
Gayunman, sinabi ni Cimatu na mahaba pa ang prosesong pagdaraanan para gawing ligtas ang buong Manila Bay.
Aminado naman si Cimatu na bukod sa mga commercial at residential establishments, malaki ang kontrobusyon ng malalaking passenger vessels sa polusyon ng tubig sa Manila Bay.
Dahil dito, magsasagawa ang DENR ng mga inspeksyon sa passenger vessels sa mga susunod na linggo para masiguro na mayroong proper waste disposal at wastewater treatment facilities ang mga ito.