Bahagi ng mga inangkat na sibuyas, dumating na sa bansa – BPI

Dumating na sa bansa ang ilang bahagi ng mga inangkat na sibuyas.

Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Regional Director Glenn Panganiban, dumating ang mga imported sibuyas sa Manila South Harbor nitong weekend.

Kabilang dito ang labing-anim na apatnapung talampakang container van ng puting sibuyas habang tatlumpu’t dalawang container van naman ang pulang sibuyas.


Agad na dinala sa container van ang mga imported na sibuyas matapos na inspeksyunin.

Sa mga susunod na araw, inaasahang mabibili na ang mga ito sa mga palengke sa Metro Manila at maging sa mga probinsya.

Target itong ibenta sa halagang P100 hanggang P150 kada kilo.

Samantala, una nang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nasa 5,000 metric tons lamang mula sa inisyal na target na 21,060 metric tons ng imported na sibuyas ang makadarating sa bansa hanggang sa deadline ng importasyon sa January 27.

Facebook Comments