Higit ₱2 dagdag-singil sa gasolina, diesel at kerosene, kasado na bukas!

Kasado na ang bigtime oil price hike ng mga kumpanya ng langis bukas.

Epektibo alas-sais ng umaga, ipatutupad ng Pilipinas Shell at Seaoil ang ₱2.80 na dagdag-presyo sa gasolina; ₱2.25 sa diesel at ₱2.40 sa kerosene.

Kaparehong oil price adjustment din ang ipatutupad ng Caltex epektibo alas-12:01 ng hatinggabi mamaya.


Habang alas-kwatro ng hapon magpapatupad ng increase ang Cleanfuel maliban sa kerosene.

Ang panibagong taas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng demand nito sa China kasabay ng muling pagbubukas ng kanilang ekonomiya at ng katatapos lamang na Chinese New Year.

Facebook Comments